Ghanadong sumuntok laban sa Pakyaw kung sumuntok.. saan ka?
Handang-handa na si Manny Pacquaio sa bakbakan nila ng taga-Ghana na si Clottey sa Marso 13 sa Cowboys Stadium sa Dallas. “I can not wayt to get ento the reng. I am feeleng beri gud and I am excited to put on a memorabol show for the boxing fans. I want to maykthem hapi agen,” pahayag ng pound-for-pound king.
NEW FILIPINO CONSUL GENERAL ARRIVES IN TORONTO
By Romy Zetazate & Dindo Orbeso
St. Jamestown News Service
I will closely contact the members of the Filipino community in the province of Ontario and other parts of Canada under the jurisdiction of the Consul General's Office in Toronto, Consul General Minerva Jean Abuyao Falcon.
Phone ‘translator’ bagong proyekto ng Google
Maraming biyahero na ang naghayag na mahirap bumiyahe sa ibang bansa na kaunti lamang ang nagsasalita ng Ingles. Dayuhan ka sa bayan, at maging sa wika, sa ganitong pagkakataon may sagka sa pakikipagkomunikasyon.
Ang problemang ito ay malapit nang maresolba. Sa kasalukuyan, tinatrabaho ng Google Inc. ang software na magsasalin ng text na kinunan ng isang phone camera.
MELISA AT JASON NG PBB DOUBLE UP, TAMPOK SA “MELASON IN LOVE”
Sa "Pinoy Big Brother Double Up," napanood natin ang love story ni Melai at Jason sa loob ng Bahay ni Kuya. At ngayong tapos na ang show at nasa outside world na ang dalawa, isang katanungan ang naglalaro sa
isipan ng mga taga-subaybay ng Melason love team - Totoo nga ba ang nararamdaman ni Melai at Jason para sa isa’t isa? Magpapatuloy kaya ang kanilang pag-iibigan sa outside world?
ABS-CBN, mas tumaas ang national ratings
Mas lalo pang lumaki ang lamang ng ABS-CBN sa katunggali nitong network pagdating sa national ratings sa pagtatapos ng taong 2009 ayon sa datos ng global research specialist na Taylor Nelson Sofres (TNS).
Mula sa 44% audience share kumpara sa 37% share ng GMA 7 noong Feb 2009, lumakas pang lalo ang ABS-CBN pagdating ng Dec 2009 sa audience share na 48% laban sa 31% ng karibal na istasyon.
Pamahalaan kumikilos upang solusyunan ang pananalapi at mga bayarin sa mortgage.
Inihayag kamakailan ni Honourable Jim Flaherty, Minister of Finance, ang ilang hakbang upang masuportahan ang long-term stability ng housing market ng Canada at patuloy na hinikayat ang mga mamamayan
ng home ownership.
"Canada's housing market is healthy, stable and supported by our country's solid economic fundamentals," ani Minister Flaherty. "However, a key lesson of the global financial crisis is that early policy action can help prevent negative trends from developing."
EI nagpalugit, mga self-employed Canadians
OTTAWA: Epektibo mula noong Enero 31, ang self-employed Canadians
ay maaari nang magrehistro para sa Employment Insurance (EI)
program, na magbibigay sa kanila ng maternity, parental, sickness at
compassionate care benefits, sa pangkabuuan, tinawag na special
benefits. Inihayag ni Honourable Rob Moore, Minister of State (Small
Business and Tourism), sa ngalan ni Honourable Diane Finley, Minister
of Human Resources and Skills Development, ang anunsyo sa tanggapan
ng Canadian Real Estate Association sa Ottawa kamakailan.
Summer jobs alok ng ON gov’t
MALAYO pa ang tag-init, ngunit ngayon pa lamang ay handa na ang Ontario government para sa Summer Employment Opportunities
nito na alok sa mga estudyante at kabataan.
Ang Summer Employment Opportunities ay naglalaan ng supervised work experience sa buong Ontario Public Service para sa mga estudyante at kabataan tuwing summer upang madebelop ang kanilang kasanayan kaugnay sa karera at mailipat ito sa general labour market.
Single toll-free number, pinadali sa negosyante
UPANG mas madali para sa mga negosyante na makakuha ng
impormasyong kanilang kinakailangan, nagkaisa ang pamahalaang
Canada at Ontario sa paglalaan ng telephone number na
may business information sa parehong lebel ng gobyerno.
Maaaring tumawag sa 1-888-745-8888 o TTY 1-800-268-
7095 ang mga negosyante upang makakuha ng impormasyon
kaugnay ng iba’t ibang paksa, kabilang ang financing options,
pagsisimula o pagpapalago ng negosyo, federal at provincial
government programs, pamamahala ng mga empleyado,
Ika-45 anibersaryo ng bandila ng Canada, ipinagdiwang
Ipinagdiwang ng buong bansa noong ika-15 ng Pebrero ang ika-45 anibersaryo ng Pambansang Watawat ng Canada. Kaugnay nito, inihayag ni PM Stephen Harper na: “Since it first appeared in 1965, our distinctive maple leaf flag has become a national icon. It is recognized both at
home and abroad as a symbol of peace, democracy, freedom and courage.


